Add parallel Print Page Options

18 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinghaga, at sinabi,

Tumindig ka, Balac, at iyong dinggin;
Makinig ka sa akin, ikaw anak ni Zippor:
19 (A)Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling,
Ni anak ng tao na magsisisi;
Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin?
O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?
20 Narito, ako'y tumanggap ng utos na magpala:
(B)At kaniyang pinagpala, at hindi ko na mababago.

Read full chapter